Our Partner Farmers

Sierreza Leaf Icon

Our Partner Farmers: Tatay Avio

Para sa akin, mas maganda sana kung mapalawak yung pagtulong ni Ma’am Che para hindi lang kaming mga tribu dito sa Daraitan ang nakikinabang. Kailangan yung buong tribu namin bigyan din ng tulong ng gaya sa amin dahil hindi naman po kami yung makasariling tribu. Ang gusto namin, yung pakinabang namin, yung ibang lugar ay makinabang din. Yun po ang aking suhestyon sa inyo.”

Octavio ‘Tatay Avio’ Pranada, 64 taong gulang

Simula noong unang panahon pa lamang, pagsasaka na ang pangunahing pangkabuhayan nina Tatay Avio.  Ilan sa mga pananim nila noon ay palay, kamoteng kahoy, kamoteng baging, at iba pa na lumalaman sa lupa sa pamamagitan ng kaingin farming.

Maganda raw yung kita nila sa kaingin noon. “Pag nagtanim kami nung tinatawag namin na isang baldeng puno ng palay, mga 40-50 kaban ang aanihin namin. Pero nakita ko nung mula nang gamitin namin yung mga insecticide medyo lumugmok na yung pag-ani naming at lumiit.”

Dati raw gumagamit si Tatay ng chemical fertilizers na nabibili sa Tanay. Ngunit dumating yung araw na parang dumidkit na yung lupa at hindi nagiging buhaghag—ika’y niya nga “nagtitimpi yung lupa.” Ngayon, ayaw niya na sa mga chemicals at sa halip nito, gumagamit siya ng guano o dumi ng paniki bilang pampataba. Simula noong siya’y nag-organic, hindi na rin raw siya gumagamit ng vetsin o ginisa mix sa pagluluto.

Hindi raw nahirapan sina Tatay Avio sa pagbalik sa natural na pagtatanim nang dumating si Ma’am Che sapagkat yun na raw yung katutubong paraan nila noong umpisa.

“Ang pananaw ko diyan sa organic farming, nakatutulong na sa mga kakain niyan, nakakatulong rin po sa kalikasan natin.”